Posted March 31, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Umani ngayon ng papuri sa mga ‘netizens’ at parokyano ng
HRP o Holy Rosary Parsih Boracay ang mezzanine project ng simbahan.
Nagagamit na kasi ito ngayon kahit hindi lubusang
natatapos.
Ayon sa ilang ‘netizens’at debotong Katoliko sa isla, masaya
sila dahil nagagamit na nila ang mezzanine o balcony na sinimulang ipagawa ni HRP
Boracay Priest Moderator Father ‘Nonoy’ Crisostomo nitong nakaraang taon.
Ayon pa sa ilang ‘church goers’, malaking tulong din ang
balcony para may masilungan at maupuan ang dumarami pang nagsisipagsimba lalo
na ngayong Semana Santa.
Nabatid na binuksan ang nasabing mezzanine ng simbahan
nitong nakaraang Linggo, na siya namang unang araw ng Semana Santa upang
ma-accommodate nito maging ang mga turistang nagsisipagsimba.
Samantala, ikinatuwa naman ni Father ‘Nonoy’ ang naging
reaksyon ng mga debotong Katoliko sa pagbubukas ng balcony.
Magugunitang target sana ng simbahan na matapos ang
proyekto bago ang Simbang Gabi nitong nakaraang taon, subali’t kinapos ito ng
budget.
No comments:
Post a Comment