Monday, April 06, 2015

Mga turista sa Boracay dagsa parin matapos ang Holy Week celebration

Posted April 6, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Kahit tapos na ang mahaba-habang bakasyon dahil sa kakatapos na Semana Santa, dagsa parin ngayon ang mga turista sa isla ng Boracay.

Katunayan halos punuan parin ang ilang malalaking hotel sa Boracay dahil sa dami ng mga nagbabakasyon lalo na ang mga local tourist.

Mapapansin naman tuwing gabi ang sobrang siksikan ng mga tao sa front beach lalo na sa ilang mga estbalisyemento na mayroong mga palabas na fire dance show, live band at ilang pakulo na patok naman sa mga turista.

Sa kabilang banda naitala naman ng Boracay PNP ang pagiging generally peaceful sa isla nitong Semana Santa dahil sa kanilang pinaigting na seguridad para sa mga turista.

Samantala, inaasahang dadami pa ang mga magbabakasyon sa Boracay lalo na ngayong kalagitnaan ng buwan ng Abril hanggang Mayo para sa tuloy-tuloy na summer vacation sa Boracay.

No comments:

Post a Comment