YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, March 30, 2015

Malaking pagbabago sa Caticlan Jetty Port nasa plano na

Posted March 30, 2015
Ni Jay-ar M.Arante, YES FM Boracay

Nasa plano na ng Provincial Government at ng Jetty Port Administration ang malaking pagbabago sa Caticlan Jetty Port.

Ayon kay Jetty Port Administrator Niven Maquirang, mayroon na silang plano para sa 2.6 hectares na reclamation project sa nasabing pantalan na gawing docking area ng mga bangka mula sa Cagban Jetty Port, kung saan dito umano ililipat ang mga Ferry Boat at Fast Craft.

Base pa sa plano, magiging organisado na ang lahat ng mga dadaong na sasakyang pandagat katulad ng Roro-Vessel na-nag do-dock sa existing port.

Samantala magtatayo rin sa reclamation area ng tatlong palapag na gusali kung saan makikita ang shopping mall, hotel, centralize ticketing ng pumpboat, holding area para sa mga resort at sa ground floor naman ang parking area.

Kaugnay nito hahabaan din umano ang existing na rampa sa Caticlan Jetty Port para sa mga cruise ship na bibisita sa isla ng Boracay.

Ayon pa kay Maquirang may sapat umanong pondo rito ang Aklan Provincial Government, ngunit tiniyak din nito na aabutin ng bilyong piso ang halagang magagastos sa nasabing proyekto.

Nabatid na ang proyektong ito sa Caticlan Jetty Port na siyang main entrance ng mga taong pumapasok sa isla ng Boracay ay inaasahang matatapos ng limang taon.

No comments:

Post a Comment