Monday, March 30, 2015

Mga establisemyentong tatamaan ng demolition ang ‘major structures’, binibigyan ng konsiderasyon ng LGU Malay

Posted March 30, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Image result for kalsada sa boracayIba-iba ang epekto ng road easement sa mga resort at establisemyento sa isla ng Boracay.

Ilan sa mga ito ang maliit lang ang bahaging gigibain, habang may ilan naman na ‘major structures’ ang tatamaan.

Kaugnay nito, nilinaw ngayon ng BRTF o Boracay Redevelopment Task Force na magbibigay ng konsiderasyon ang LGU Malay sa mga establisemyentong kailangang gibain ang bahagi ng kanilang gusali katulad ng malalaking poste.

Ayon kasi kay BRTF Secretary Mabel Bacani, summer season ngayon kung saan ‘fully book’ ang mga resort, kung kaya’t hindi ito maaaring i-demolish.

Nabatid na ikinabahala ng karamihan sa mga establisemyento sa isla ang magiging epekto ng road easement.

Magiging ‘eye sore’ umano kasi ito para sa mga turista kung ipagpapatuloy ang demolition lalo pa’t nalalapit na ang APEC ministerial meeting.

Maliban dito, itinuturing ding kawalan para sa mga resort kung magkakansela sila ng ‘bookings’ para mag-voluntary redevelopment ngayong summer season.

No comments:

Post a Comment