Monday, March 30, 2015

Lalaki, kalaboso matapos maaktuhang nagnanakaw ng cell phone ng turista sa Boracay

Posted March 28, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Image result for police blotterSa presento na ng Boracay PNP nagpaliwanag ang isang lalaki matapos itong mahuli dahil sa kasong pagnanakaw.

Naaktuhan umano kasi siya habang kinukuha ang isang I-phone 6 at I-phone 5 ng isang turista sa Station 1 Barangay Balabag kaninang tanghali.

Base sa report ng Boracay PNP, iniwan ng babaeng turista ang kanyang mga cell phone sa beach bed ng isang resort doon.

Subali’t umupo umano ang suspek malapit sa beach bed at kinuha ang mga nasabing gamit.

Hindi nito sukat akalain na nakita pala siya ng isang lalaki doon na agad namang sumita sa kanya.

Sa pagkagulat, nangatuwiran ang suspek na nahulog sa buhanginan ang mga cell phone at nag-aktong ibabalik ang mga ito sa beach bed.

Dahil dito, kaagad nagsumbong sa isang security guard doon ang may-ari ng cell phone kung kaya’t naaresto ang suspek sa tulong din ng mga tao sa lugar.

Samantala, pansamantalang ikinostodiya ng Boracay PNP ang suspek sa kabila ng paliwanag at pagtanggi nito sa krimen.

No comments:

Post a Comment