Wednesday, April 01, 2015

Seguridad ng mga turista sa isla, patuloy na binabantayan ng B.U.S.T.E.R. Patrollers

Posted April 1, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Image result for beachfront Boracay islandPatuloy ngayong binabantayan ng B.U.S.T.E.R. Patrollers ang seguridad ng mga turista sa isla.

Makikita ang mga ‘B.U.S.T.E.R.’o Boracay Action Group Unified Strategic Tourism Enforcement sa beach front na kinabibilangan ng Boracay PNP, Task Group Boracay-Philippine Army, at ilan pang force multipliers sa isla.

Sa isang panayam, sinabi ni PO3 Christopher Mendoza ng Boracay Police Community Relations na bumaba ang kaso ng pambibiktima ng mga salisi dahil sa patuloy nilang pagpapatrolya.

Lalo din umanong naging kampante ang mga turista sa beach dahil sa kanilang presensya.

Kasabay din kasi ng kanilang pagpapatrolya ang pagbibigay nila ng ‘safety tips’ sa mga turista ngayong summer vacation.

Maliban sa beach area, tiniyak naman ng Boracay PNP na tinututukan din nila ang ilang lugar sa isla lalo na ang pananamantala ng mga ilegal komisyoner sa mga turista.

No comments:

Post a Comment