Posted April 1, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Kasado na ang inilitag na seguridad ng ibat-ibang ahensya
ng gobyerno ng Aklan para sa pagdating ng MS Seven Seas Voyager sa Boracay
ngayong Huwebes Santo.
Ayon kay Special Operation Officer III Jean Pontero ng
Caticlan Jetty Port, nagkaroon umano sila ng meeting kahapon ng hapon para
pag-usapan ang seguridad ng naturang barko kasama ang Philippine Army,
Philippine National Police, Philippine Coastguard, Philippine Navy, Philippine
Army at Philippine Ports Authority (PPA).
Dito umano nakalatag na ang seguridad magmula sa
dadaungan ng barko sa Cagban Jetty Port hanggang sa beach area kung saan
pupunta ang mga sakay na pasahero ng Cruseship.
Sinabi pa ni Pontero na darating ito sa Boracay ng
alas-10 ng umaga at ang departure time naman ay alas-8 ng gabe.
Mayroon din umano itong 600 passengers capacity at 250 na
crew kung saan ang mga pasahero nito ay iba-iba ang nationality.
Muli namang inihanda ng Jetty Port at Provincial Tourism
Office ang Ati-Atihan Group para sa pag-welcome sa mga pasahero at Rondalia
pabalik ng mga pasahero sa barko.
Samantala, isa na namang plaque exchange ang isasagawa
para sa maiden call sa pagitan ng kapitang ng barko at Provincial Government ng
Aklan kasama ang Department of Tourism.
No comments:
Post a Comment