Posted March 31, 2015
Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ayon kay Malay Senior Transportation Regulation Office
Cezar Oczon, paunti-unti na umano ngayon ang ginagawa nilang re-routing bilang
paghahanda para sa APEC Ministerial meeting ngayong Mayo.
Layunin umano nito na mabawasan ang mga dumaraming
sasakyan sa mainroad papuntang Station 3 o Cagban Jetty Port.
Ayon kay Oczon, ang lahat ng mga private vehicle at
malalaking sasakyan kasama na ang resort service na mula sa station 1 o Brgy.
Yapak na diritsong Cagban, Manoc-manoc ay liliko sa harap ng Crafts of Boracay
o papuntang Bloomfield area.
Ngunit nilinaw nito na hindi pa ito na fully implemented
dahil hindi pa sila nakakapaglagay ng mga signage’s sa mga lugar na daraan ng
mga nasabing sasakyan.
Dagdag pa nito na kung sakaking maging successful ang
nasabing proyekto ay maaaring ituloy-tuloy na ito na maging isang ordinansa o
batas.
No comments:
Post a Comment