Monday, March 30, 2015

Accident prone area sa Nabas Aklan, mahigpit na tinututukan ng mga pulis

Posted March 30, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Image result for road safety measures“Mag-ingat sa pagmamaneho at huwag kakalimutan ang mga Road Safety Measures.”

Ito ang paalala ng Nabas Municipal Police Station kasabay ng kanilang mahigpit na pagtutok sa mga accident prone area sa lugar.

Kaugnay na rin ito ng mataas na kasong naitatala sa nasabing police station tungkol sa sunod-sunod na mga nangyayaring aksidente sa kalsada doon.

Ayon kay Nabas PNP Deputy Police Chief SPO4 Crispin Calzado.

Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na rin sila sa Department of Public Works and Highways (DPWH) upang madagdagan ang mga signages at mapalitan ng bago ang mga luma na.

Samantala, nabatid na nitong ika-27 ng Marso lamang ay may isa na namang vehicular accident ang nangyari sa Nabas matapos mabangga ng van ang isang nagbibisekleta.

No comments:

Post a Comment