Posted April 1, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Kaya naman, ngayong Semana Santa, muling maglalagay ng
first aid stations ang Philippine Red Cross (PRC) Boracay-Malay Chapter sa
Caticlan at Boracay.
Ayon kay Philippine Red Cross Boracay-Malay Chapter
Administrator Marlo Schoenenberger, sa ganitong paraan ay maiiwasang lumala ang
sitwasyon ng isang pasyente at matugunan din ang kanilang mga pangangailangan
lalo na ng mga bakasyunista.
Anya, maliban sa paglalagay ng first aid stations sa
Caticlan Jetty Port at beach front ng Boracay, mag-momonitor din umano ang mga
Red Cross life guard sa baybayin ng isla.
Samantala, 24/7 din umanong naka-antabay ang ambulansya
ng Red Cross kasabay ng kanilang libreng serbisyo sa mga magpapatingin ng
kanilang blood pressure, pagbibigay lunas sa mga posibleng makaranas ng
pagkahilo, sakit ng katawan at heat stroke sanhi ng mainit na panahon.
No comments:
Post a Comment