Wednesday, April 01, 2015

MTO Malay, nagpaalala sa mga motorista ngayong Semana Santa

Posted April 1, 2015
Gloria Villas, YES FM Boracay

Kasabay ng pagdagsa ng libu-libong magbibiyahe patungo sa mga iba’t ibang lugar ngayong Semana Santa.

Nagpaalala ngayon ang Municipal Transportation Office (MTO) Malay sa mga motorista para sa ligtas na biyahe.

Ayon kay Senior Transportation Regulation Officer Cesar Oczon Jr. ng Municipal Transportation Office.

Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng mga cellphone kapag nasa byahe, at ang paninigarilyo sa loob ng sasakyan.

Dapat din umanong tiyakin na kumpleto at walang depekto ang sasakyan para iwas disgrasya sa pagbiyahe.

Samantala, nagsimula na rin ngayong magpakalat ng mga traffic enforcers ang Land Transportation Office (LTO) upang mabantayan ang daloy ng trapiko.

Nabatid na ilang L300 Van drivers na bumibiyaheng Caticlan-Kalibo ang ikinadismaya ng mga pasahero dahil sa paggamit nila ng cellphone habang nagmamaneho.

No comments:

Post a Comment