Wednesday, April 08, 2015

BIWC inimbitahan sa SB Malay tungkol sa expansion project sa mainland

Posted April 8, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for biwc boracayInimbitahan kahapon sa SB Malay ang BIWC tungkol sa kanilang expansion project sa mainland.

Mismong ang bagong General Manager at Chief Operation Officer ng Boracay Island Water Company na si Joseph Michael Santos ang dumalo sa nasabing session.

Ayon kay Santos ang bago nilang proyektong ito ay para mas lalo pang mapabuti ang pagbibigay nila ng suplay ng tubig sa isla ng Boracay.

Sinabi din nito na ang kanilang proyekto ay may water permit kung saan ang kanilang pinagkukunan naman ng tubig ay mula sa Nabaoy sa bayan ng Malay.

Ngunit ang ikinabahala ngayon ng konseho ay ang kapasidad ng tubig sa Nabaoy river para sa isla ng Boracay dahil sa dumarami umano ang mga hotel sa isla.

Tiniyak naman ng BIWC na magiging sapat ito dahil patuloy ngayon ang kanilang ginagawang proyekto upang masiguro na hindi kukulangin ng tubig ang isla lalo na ngayong tag-init.

Samantala, hinikayat naman ng mga konsehales ang lahat na mag-recycle ng tubig lalo na sa mga malalaking hotel at resort sa isla.

No comments:

Post a Comment