Wednesday, April 08, 2015

Van ng isang resort sa Barangay Yapak, nasagi ng truck ng MRF

Posted April 8, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Sinasabing marami na ang naaksidente sa kurbadang kalsada sa harap DENR Office sa Sitio Hagdan, Barangay Yapak.

Katunayan, isang aksidente na naman doon ang naitala sa himpilan ng Boracay PNP kaninang umaga.

Sa report ng Boracay PNP, nasagi ng Isuzu Forward ng MRF o Materials Recovery Facilities ang Nissan Urvan Estate van ng isang resort sa Barangay Yapak habang binabaybay nito ang mainroad ng Sitio Hagdan.

Resulta, nagasgas ang panghuling bumper ng nasabing shuttle service.

Sa presento naman ng pulis, nabatid na nagka-areglo ang kani-kanilang mga driver.

Samantala, nabatid na may mga motorsiklo ding naaksidente sa nasabing lugar hindi lamang dahil sa kurbada nito, kundi dahil sa driver na lasing.

No comments:

Post a Comment