Wednesday, April 08, 2015

BIR Aklan, bubuksan hanggang weekend ang sub-office sa Boracay para sa pagbabayad ng buwis

Posted April 8, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Image result for bir tax mappingBubuksan hanggang weekend ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang kanilang sub-office sa Boracay para sa pagbabayad ng buwis.

Ayon kay Document Processing Section Chief Ma. Elaine Tirazona, ito’y upang mas mabigyan pa ng mas mahabang panahon ang mga tax payers na mag-file ng kanilang 2015 Income Tax Returns (ITR).

Anya, bukas din umano ang mga Authorized Agent Banks (AABs) ng BIR sa Boracay mula alas 8:00 hanggang alas 5:00 ng hapon, kung saan maaari din ditong makapagbayad ng ITR ang mga taxpayers base na rin sa naging apela ng BIR na mag-extend ng oras.

Samantala, paalala din nito sa lahat ng mga nagbabayad ng buwis na mag-file na ng kanilang 2014 income tax returns nang maaga upang maiwasan ang paghahabulan sa deadline na itinakda sa April 15, 2015.

Sa hindi naman makakahabol sa deadline, sinabi nito na bagama’t sila sa kawanihan ay ayaw sanang mapatawan ng penalidad ang mga taxpayers.

Mariin parin aniya nilang ipapatupad ito kapag hindi makapagsumite agad ng ITR.

Kabilang sa mga Authorized Agent Banks ng BIR ang Bank of the Philippine Islands (BPI), Metrobank at Philippine National Bank (PNB).

No comments:

Post a Comment