Tuesday, April 07, 2015

SB Session ng Malay balik sa normal ngayong Martes, matapos ang Holy Week break

Posted April 7, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Matapos ang pahinga ng mga Konsehales ng Malay dahil sa long week celebration ng Semana Santa balik na ngayong Martes sa normal ang SB Session.

Dahil dito muling tatalakayin ang mga nakabinbing usapin sa bayan ng Malay at isla ng Boracay kung saan isa na nga rito ay ang maingay at patuloy na pinag-uusapan na paglalagay ng Yellow Submarine sa isla.

Nabatid na imbitado din sa Session ngayong Martes ang dalawang kumpanya na nagsusuplay ng tubig sa isla ng Boracay ang Boracay Island Water Company (BIWC) at ang Boracay Tubi System.

Ayon sa Sangguniang Bayan Office, inimbitahan ang mga ito para pag-usapan ang pinagmumulan ng tubig ng dalawang kumpanya sa mainland Malay gayon din ang kanilang operasyon sa isla.

No comments:

Post a Comment