Posted April 6, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Statistics Data from MTour Malay |
Kasunod ito ng impormasyong bumaba ang Tourist Arrival sa Boracay nitong Holy Week kumpara sa Holy Week ng 2014.
Bagay naman na kinumpirma ni DOT Boracay Sub-Office
Tourism Assistant Kristoffer Leo Velete ang nasabing report.
Base kasi sa hawak nilang datus mula sa Municipal Tourism
Office of Malay, pumalo lamang sa 31,954 ang tourist arrival nitong Holy Week,
kung ikukumpara sa Holy Week-Tourist Arrival na 46,091 ng nakaraang taon.
Isa sa mga itinuturong rason ng pagbaba ng nasabing
tourist arrival ang ‘Bagyong Chedeng’ na ikinabahala umano ng local and foreign
tourists na tatama sa Visayas area, dahilan upang hindi sila pumunta sa isla ng
Boracay.
Aminado rin dito ang ilang beach front establishments na aming
nakapanayam.
Ayon sa kanila, mas marami pa rin talaga ang mga turista at
bakasyunista sa isla sa Holy Week nitong nakaraang taon ng 2014.
Samantala, sa kabilang banda, tiwala naman ang DOT na tataas
pa ang tourist arrival dahil sa halos sunod-sunod na pagbisita ng cruise ships
isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment