Posted April 11, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ayon kay National Museum Researcher Giovanni
Bautista, kailangang sumailalim sa nasabing pagsusuri ang mga nakitang
artifacts upang maberipika ang edad at authenticity nito.
Anya, kasama na umano rito ang mga natagpuang
artifacts sa loob ng dalawang kuweba sa pinakamataas na bahagi ng Kalibo.
Nabatid na Setyembre 2014 nang pinangunahan ni Bautista
ang isang grupo ng mga researchers sa archaeological digging sa Tigayon Hills,
kung saan natagapuan ang ilang sinaunang gamit, mga Chinese ceramics, kalansay
ng hayop at mga ngipin ng tao.
Samantala, natuklasan din nila sa kuweba ang
Carnelian bead, isang pambihirang semi-precious gem stone na ginagawang alahas sa
Europe at South America.
No comments:
Post a Comment