Monday, April 06, 2015

Apartment sa Boracay nilooban ng magnanakaw, pera at mamahaling gamit tinangay

Posted April 6, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Hindi inakala ng isang lalaki ng magigising nalang siya na wala na ang kanyang mga mamahaling gamit at pera.

Sa blotter report ng Boracay PNP nakilala ang biktimang si Marlon Gersbach, 33-anyos at pansamantalang nakatira sa isang apartment sa Sitio. Bolabog, Balabag, Malay, Aklan.

Nabatid na nagising na lang umano ang biktima na bahagyang nakabukas ang kanyang pintuan sa inuupahang kwarto.

Dahil dito agad niyang sinuri ang kanyang mga gamit kung saan dito niya nadiskobrehan na nawawala na ang kanyang Macbook pro laptop, mamahaling cellphone kasama ang charger, back pack na naglalaman ng 1500 Euro, P10, 000., German passport at Philippine passport, travel document, airline ticket, birth certificate at ilan pang importanteng dokumento.

Salaysay ng biktima sa mga pulis natulog umano siya bandang alas-12:45 ng madaling araw kanina kung saan iniwan umano nitong naka-charge ang kanyang cellphone at loptop sa gilid ng kanyang tinutulugan.

Sa ngayon patuloy parin ang ginagawang imbistigasyon ng Boracay PNP Station hinggil sa nangyaring insidente.

No comments:

Post a Comment