Wednesday, April 08, 2015

2 magkahiwalay na kaso ng snatching kagabi sa Boracay, naitala sa BTAC

Posted April 8, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Image result for snatchingInalerto ngayon ng Boracay PNP ang publiko kasunod ng magkahiwalay na kaso ng pang-iisnatch sa dalawang turista sa isla.

Ayon sa blotter report ng BTAC, unang dumulog sa kanilang himpilan alas 9 kagabi ang magkasintahang Singaporean national matapos hablutin ng hindi nakilalang lalaki ang kanyang pouch.

Saad ni Siew Wei Yeo, 32 anyos, kasama nitong naglalakad ang kanyang nobyo sa pathway ng Balabag Boracay nang dinikitan umano sila ng isang nagmo-motorsiklo.

Bigla umano nitong hinablot ang kanyang pouch na naglalaman ng dalawang Iphone 6, 200 Singaporean money, tatlong libong piso at kaagad tumakas.

Samantala, kaninang madaling araw naman ay nag-report ang babaeng Danish national na si Sabine Lidegaad, 23 anyos nang mabiktima din ng snatching habang naglalakad sa Station 1 Balabag Boracay.

Ayon sa biktima alas 5 kaninang madaling araw, naglalakad sya sa kalsada kasama ang mga kaibigan nang biglang nilapitan ng hindi nakilalang lalaki at hinablot ang kanyang dala-dalang pouch.

Dagdag pa ngbiktima, naglalaman ang kanyang pouch ng kanyang passport, iPhone 4 na cellphone, credit cards, cannon camera at cash na 6, 000 pesos.

Dahil dito, pursigido ngayon ang Boracay PNP Station na mahuli ang mga suspek at masampahan ng kaukulang kaso.

No comments:

Post a Comment