Tuesday, April 07, 2015

Paggunita ng Semana Santa sa Aklan, ‘generally peaceful’ - APPO

Posted April 6, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Maituturing na “generally peaceful” ang paggunita ng Holy Week sa buong probinsya ng Aklan.

Ayon kay PO1 Criselle Lagatik ng Aklan Police Provincial Office (APPO) Public Information Department.

Ito'y kahit may mga ilang ‘minor incidents’ na nangyari sa lalawigan, kabilang na ang napaulat na barilan sa bayan ng Nabas at Malay sa kasagsagan ng Semana Santa.

Kaugnay nito, kinumpirma naman ni Lagatik na walang nasawi sa insidente at kasalukuyan pa ring iniimbestigahan ang kaso.

Samantala, sa kabila ng matagumpay na operasyon nitong Semana Santa.

Ipinasiguro naman ng APPO ang kanilang kahandaan sa anumang mga mangyayaring kriminalidad sa probinsya.

No comments:

Post a Comment