Wednesday, April 08, 2015

"No Party on Good Friday" nitong Holy Week sa Boracay, sinunod ng mga beach front establishments

Posted April 8, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Image result for good newsTinupad umano ng mga beach front establishments ang "No Party on Good Friday" nitong Holy Week sa Boracay.

Ito ang kinumpirma ni Boracay PNP OIC P/SInsp.Frensy Andrade kasabay ng kanilang pagmonitor sa selebrasyon ng kakatapos lamang na Semana Santa.

Ayon kay Andrade, katuwang sila ng MAP o Municipal Auxiliary Police-Boracay sa pagpatupad ng nasabing kautusan mula alas 6:00 ng umaga ng Biyernes Santo hanggang alas 6:00 ng umaga ng Sabado de Gloria o Black Saturday.

Bagay na ikinatuwa naman ng Holy Rosary Parish Boracay.

Ayon kay Father Nonoy Crisostomo, masaya siya at nagpapasalamat dahil sa naging maayos ang pagdiriwang ng Semana Santa sa isla.

Samantala, nabatid na dinagsa rin ng mga debotong Katoliko ang iba pang aktibidad ng simbahan nitong Holy Week bagay na tinutukan ng mga kapulisan, iba pang law enforcers at force multipliers ang seguridad ng publiko.

Magugunita namang mahigpit na ipinapatupad sa isla ang "No Party on Good Friday" upang bigyang daan ang solemneng pagdiriwang ng Biyernes Santo.

No comments:

Post a Comment