Posted April 9, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Gumulong na sa Sanguniang
Bayan ng Malay ang request para sa SB Endorsement ng Boracay New Coast Hotel
Group Inc. na mag operate ng Casino at Entertainment Business sa Boracay.
Sa 13th Regular
SB Session ng Malay nitong Martes ito ay napag-usapan sa Committee Report na
pinangunahan ni SB Member Rowen Aguirre.
Ayon kay Aguirre
nagkaroon umano ng committee hearing dito ang Committee on Tourism na dinaluhan
naman ng New Coast Management at ng Vice Chairman ng Committee on Tourism na si
Leal Gelito.
Sinabi pa ni
Aguirre na tinukoy umano sa kanila ng New Coast na ang maglalaro lang sa
nasabing Casino ay ang mga guest ng nasabing hotel at bukas lamang ito sa mga
foreign tourist.
Samantala, tungkol
naman umano sa legality ng nasabing Casino tiniyak naman sa kanya ng New Coast
na ang magbibigay ng lisensya dito ay ang Philippine Gaming Authority at ang
Philippine Navy.
Kaugnay nito ang
nasabing usapin ay muling itinakda sa second reading sa susunod na regular SB
session ng bayan ng Malay para sa mas mabusising pag-aaral.
No comments:
Post a Comment