YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, April 30, 2015

NFA Aklan, tiniyak na may sapat na bigas ang probinsya

Posted April 30, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Image result for NFA
Inaasahang hindi makakaranas ng gutom ang probinsya ng Aklan.

Ito’y matapos tiniyak ng National Food Authority (NFA) Aklan na hindi kukulangin ang probinsya sa supply ng bigas.

Ayon kay NFA Aklan Provincial Manager Martina Lodero, wala umanong dapat ikabahala ang publiko sa lalawigan sapagkat may sapat na suplay ng palay ang probinsya sa mga government warehouse, households, retailers, millers at wholesalers.

Samantala, sinabi rin nito na inaasahan din umano nila ngayon ang pagkakaroon ng kaliwa’t kanang harvest ng mga magsasaka habang papalapit ang harvest season lalo na sa mga bayan sa Western side ng Aklan.

Ipinabatid rin nito sa mga buying stations kung saan nahihirapan mag-deliver ng palay na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan para matulungan.

Samantala, kasalukuyan naman umanong mabibili ang mga NFA rice sa halagang mahigit kumulang labing walong piso kada kilo.

Itinuturing ang Aklan na isa sa mga probinsyang may mataas na presyo sa palay dahil sa magandang kalidad na isinusuplay ng mga magsasaka.

No comments:

Post a Comment