Posted May 2, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Doble-doble ngayon ang ginagawang seguridad sa Caticlan
Jetty Port dahil sa sobrang dami ng pasahero na papuntang isla ng Boracay.
Mismong si Jetty Port Administrator Niven Maquirang ang
siyang nag-iikot sa buong pantalan para makita ang sitwasyon ng nasabing lugar.
Nabatid na ilang araw ng nararanasan ang mahabang pila ng
mga turista sa Caticlan Jetty Port para sa kanilang bakasyon sa Boracay.
Dahil dito hinigpitan naman ni Maquirang ang seguridad sa
lahat ng daraanan ng mga pasahero kung saan may itinilaga rin sila K-9 Dog Unit
sa loob mismo ng Jetty Port para sa kapakanan ng mga pasahero.
Todo aletro rin ang Philippine Coastguard (PCG) Caticlan
sa pagbabantay sa mga sasakyang pandagat lalo na sa mga pampasaherong bangka at
Ro-Ro Vessel.
Napag-alaman na kahapon ay narasanan ang matinding haba
ng pila sa pantalan ng Cagban at Caticlan dahil sa ubusan ng mga bangka gayon
din ng mga tricycle na may biyaheng Boracay dahil sa sobrang dami ng pasahero.
No comments:
Post a Comment