Thursday, April 30, 2015

Mga turista dagsa na para sa inaabangan LaBoracay ngayong Labor Day

Posted April 30, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Inaabangan na ng mga turista sa isla ang tinatawag na LaBoracay kasabay ng pagdiriwang ng Labor Day ngayong unang araw sa buwan ng Mayo.

Katunayan dagsa na ang mga local tourist sa isla para sa nasabing event na ikalawang taon palang isinasagawa sa Boracay.

Nabatid na ang LaBoracay ay nagmula sa bansag ng mga turista matapos na sunod-sunod ang isinagawag beach party noong nakaraang taon kung saan ito ay handog ng mga malalaking negosyo sa bansa katulad ng mga alak kasama na ang mga sikat na artista.

Samantala, dahil sa inaasahang dagsa ng libo-libong tao ngayong mga susunod na araw todo handa naman sa kanilang gagawing seguridad ang Boracay PNP katuwang ang ibang mga otoridad sa isla.

Maliban dito nakikiusap naman ang Boracay Foundation Incorporation (BFI) sa mga beach goers at makikisayasa sa LaBoracay na kung maaari ay iwasan ang pagkakalat ng basura sa dalampasigan lalo na ang pag-iwan bote ng alak na nakakasira sa puting buhangin ng isla.

No comments:

Post a Comment