Thursday, April 30, 2015

Ilang pulis mula APPO naka-deploy sa Bacolod para sa APEC Summit ngayong Miyerkules

Posted April 30, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for Aklan Provincial Police Office (APPO)Naka-deploy na ang mga pulis ng Aklan Provincial Police Office (APPO) sa Bacolod City para sa gaganaping Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) ministerial meeting ngayong Miyerkules.

Ayon kay acting police provincial director Senior Superintendent Iver Apellido, 78 umanong mga pulis mula sa APPO ang sumama sa security force ng Bacolod City Police Office (BCPO) at ng Police Regional Office-6.

Nabatid na ang APEC delegates mula sa 21 miyembrong bansa ay inaasahang dadalo sa Disaster Risk Finance-APEC Roadmap for Resilient Economies sa SMX Convention Center sa Bacolod ngayong Abril 29 at 30.

Sinabi pa ni Appelido na walong patrol cars mula sa Aklan ang kasama sa paghahanda ng APEC meeting sa Bacolod City.

Samantala, ngayong buwan naman ng May ay ang isla ng Boracay ang siyang hahawak sa dalawang ministerial meetings para sa APEC delegates.

No comments:

Post a Comment