Posted April 30, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Dahil sa nalalapit na ang APEC ministerial meeting sa
Boracay hindi muna papayagang maka-pagbiyahe ang mga delivery truck tuwing
araw.
Ayon kay Malay Transportation Officer Cezar Oczon, ito
umano ay ipinatupad nila kasabay ng re-routing ng mga sasakyan sa isla upang
maiwasan ang nararanasang trapiko sa Boracay tuwing araw.
Sinabi nito na ang pagbiyahe lamang ng malalaking
sasakyan mula sa station 3 ay kailangan lamang magsimula ng hating gabi
hanggang ala-singko ng madaling araw.
Hindi naman nito tiniyak kung hanggang kaylan ito
ipapatupad ng kanilang tanggapan at ng Lokal na Pamahalaan ng Malay.
Nabatid na nagsimula na kamakailan ang ginawang
re-routing ng transportation office para sa mga sasakyang sa Boracay bilang
paghahanda sa APEC Meeting ngayong Mayo.
No comments:
Post a Comment