Thursday, April 30, 2015

Pasyente sa isang pribadong ospital sa Kalibo, tumakas dahil sa hindi mabayarang bill

Posted April 30, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Image result for hospital bedNakatakdang sampahan ng kaso ng pamunuan ng St. Gabriel Hospital sa Kalibo ang isa sa kanilang mga naging pasyente na naglaho na parang bula para takasan umano ang kanyang bill.

Nadiskubre na lamang kahapon ng mgta nars ng nasabing ospital na wala na sa kanyang kwarto ang pasyenteng si Raffy Marequin, 35-anyos na residente ng Brgy. Balabag, Boracay.

Napag-alaman na na-confine si Marequin noong nakaraang Huwebes, Abril 23 taong kasalukuyan.

Naniniwala ang pamunuan ng ospital na gustong takasan ng nasabing pasyente ang kanyang bill na umabot sa P25,000 kaya’t bigla na lamang itong naglaho.

No comments:

Post a Comment