Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nagdagdag ngayon ng media relation officers ang APEC 2015
Malay Task Group upang lalong mapaghandaan ang APEC ministerial meeting sa
Boracay ngayong Mayo.
19 ang napiling mapabilang sa listahan ng nasabing Task
Force na kasali sa APEC Media Relations para sa data base, production ng ID,
uniform at ipa pang applicable na benipisyo.
Ito naman ay kinabibilangan ng mga empleyado ng LGU
Malay, guro at ibat-ibang indibidwal sa bayan ng Malay na handang tumulong sa
paghahanda sa APEC meeting sa Boracay.
Nabatid na ang labin siyam na mga volunteers ay
madadagdagan pa upang lalong mapalakas ang APEC 2015 Malay Task Group sa
pamamagitan ng Media Relations.
Samantala, ilang araw nalang at magsisimula na ang APEC
sa Boracay kung kaya’t doble-doble naman ngayon ang kayod ng mga kinaukuulan sa
isla ng Boracay sa pangunguna ng LGU Malay at Provincial Government ng Aklan.
No comments:
Post a Comment