Thursday, April 30, 2015

Top Tax Payers sa Aklan, bibigyang parangal ng BIR

Posted April 30, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Image result for BIRAng mga sumusunod sa alituntunin ay nararapat lang na parangalan.

Ito ang mangyayari sa mga top tax payers o mga nangungunang individual at corporate taxpayers sa Aklan.

Muli kasing paparangalan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga ito bilang pasasalamat sa kanilang pagbabayad ng tama at napapanahong buwis.

Ayon kay BIR Tax Payers Service Section Chief Jisella Robillo, napag-uusapan na ito ng kanilang ahensya subalit wala pang itinakdang panahon kung kailan ito gaganapin.

Katunayan anya, nabanggit na ito ng kanilang Revenue District Officer at inaantay na lamang ang iba pang mga gagawin para muling maisakatuparan.

No comments:

Post a Comment