Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nagka-ubusan ang mga bangkang biyaheng Caticlan at Cagban
kasama na ang mga tricycle sa Boracay dahil sa sobrang dami ng mga pasahero
lalo na ang mga turista.
Sa Caticlan Jetty Port pa lamang ay naranasan na ang
sobrang haba ng pila ng mga pasahero patawid ng Boracay kung saan karamihan sa
mga ito ay puro local tourist.
Dahil dito halos magkaubusan ang mga bangkang bumibiyahe
patawid at pabalik ng isla hanggang sa pagdating ng Cagban Port ay wala ring
masakyang tricycle unit kung saan karamihan sa mga ito ay arkilado ng mga
turitsa.
Kaugnay nito isang matinding trapik din ang nag-pabagal sa
operasyon ng mga pampasaherong sasakyan sa isla dahilan para matagalan ang mga
pasaherong makasakay.
Samantala, binuksan na ng Jetty Port Caticlan ang isa
nilang luggage x-ray machine dahil sa sobrang dami ng pasahero na karamihan ay
mga kabataan na makikisaya umano sa sikat na
LaBoracay ngayong May 1.
No comments:
Post a Comment