Thursday, April 30, 2015

Mga paaralan sa Malay sasabak sa Drum, Lyre and Bugle Contest ngayong araw

Posted April 30, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for drum and lyre competitionSasabak ngayong araw ang mga paaralan sa bayan ng Malay sa gaganaping 2nd Drum, Lyre and Bugle competition ng DepEd Malay.

Ito ay bahagi ng selebrasyon sa kapastihan ng Malay Municipal/Parochial Fiesta bukas Mayo 1 na tinawag namang “Fiesta De Obreros”.

Kasali rito ang mga estudyante mula sa elementarya at sekondarya kung saan ang mananalo dito ay tatanggap ng mahigit sa sampung libong peso.

Nabatid na layunin ng kompitisyong ito na maipamalas ng mga estudyante ang kanilang galing sa Drum, Lyre and Bugle.

Samantala, bukas na rin gaganapin ang inaabangang 12th Fiesta De Obreros street and ground presentation na kinatatampukan naman ng lahat ng brgy., sa bayan ng Malay kung saan paglalabanan din ng mga ito ang mahigit sa limampung libong pesong premyo.

No comments:

Post a Comment