Thursday, April 30, 2015

Mga workers sa Boracay puwedi ng maka-avail ng discount card sa CBTMPC

Posted April 30, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Maaari na ngayong makapag-avail ng discount card sa Caticlan Boracay Transportation Multi Purpose Cooperative (CBTMPC) ang mga manggagawa sa Boracay.

Ito’y dahil sa nalalapit na ang implementasyon ng CBTMPC tungkol sa bago nilang programa kung saan lahat ng kanilang miyembro at hindi miyembro ay maaaring makapag-avail nito.

Ayon kay CBTMPC o Caticlan-Boracay Transport Multi-Purpose Cooperative Chairman Godofredo Sadiasa, ang discount card umanong ito ay maaari nilang gamitin sa pagbili ng ticket sa bangka kung saan ang P25.00 ay magiging P20.00 at kung sa van naman papuntang Kalibo imbes na mag babayad ka ng P100.00 ay makaka-discount ka ng P20.00.

Nabatid na bago ka makakuha nito ay kinakailangan mo munang mag-apply sa kanilang tanggapan at magbayad ng 100 pesos sa member ng CBTMPC at 200 pesos naman sa hindi miyembro.         

No comments:

Post a Comment