YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, July 09, 2014

(Update) 2 lalaki na umano’y sangkot sa nangyaring papamaril sa Boracay, nakatakdang e-inquest ngayong araw

Posted July 9, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Nakatakdang isailalim sa inquest proceedings ng Kalibo Prosecutor’s Office ngayong araw ang dalawang lalaki na umano’y sangkot sa nangyaring pamamaril sa Boracay nitong Sabado.

Kahapon ng hapon dinala sa Boracay PNP Station sina Alexander Seira alyas “Boy Adik” at Jessie Villaresis alyas “Libay” na umano’y sangkot sa pamamaril ng dalawang lalaki sa Barangay Yapak Boracay na ikinasawi ng isa sa mga biktima.

Matatandaan sa naunang ulat na alas onse Sabado ng gabi habang nasa isang tindahan nang barilin sa noo ang isa sa mga biktima na si Rogelio Dosado, Sr. na agad na ikinasawi nito.

Patuloy naman na nagpapagaling ang isa pa sa mga biktima na si Reno Cutora na nagtamo ng tama sa kanang binti habang papauwi sa Yapak Boracay galing sa isang amusement park.

Samatala, tuloy din ang isinagawang operasyon ng mga taga Boracay PNP Station upang tugisin ang itinuturing na umano’y prime suspek sa krimen na si Ryan Arcibal Reymundo.

No comments:

Post a Comment