YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, July 07, 2014

Pagbaha sa D’Mall Boracay, pahirapan sa mga business establishment at turista

Posted July 7, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nagdulot ng perwisyo para sa ilang business establishment at turista ang pagbaha sa D’Mall area dahil sa ilang araw na pag-buhos ng ulan.

Ito’y dahilan na rin sa baradong drainage kung saan dapat dadaloy ang tubig baha kapag ganitong tag-ulan.

Kanya-kanya namang diskarte ang mga mga nagtratrabaho sa D’Mall para hindi pasukin ng tubig ang kanilang mga establisyemento.

Maging ang mga turista ay walang nagawa kundi lusungin ang tubig baha para lamang mapuntahan ang ibat-ibang souvenir shops mga sikat restaurants, spas at hotel.

Samantala, maging ang main road ng Brgy. Manoc-manoc at Brgy. Brgy. Balabag ay ilang araw na ring nakararanas ng pag-baha dulot ng walang tigil na pag-ulan dahil sa sama ng panahon.

Nabatid na patuloy naman ang ginagawang pag-momonitor ng Lokal na Pamahalaan ng Malay sa mga lugar na binabaha sa isla ng Boracay para magawan ng solusyon.

No comments:

Post a Comment