YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, July 07, 2014

Mga bumibiyaheng bangka, pinag-iingat ng Philippine Coastguard dahil sa nararanasang sama ng panahon

Posted July 7, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
  
Pinag-iingat ngayon ng Philippine Coastguard ang mga bumibiyaheng bangka dahil sa nararanasang sama ng panahon sa bansa.

Kaugnay ito sa hanging Habagat na pinalalakas naman ng bagyong Florita na nagdudulot ng pag-ulan sa Bicol Region Region, MIMAROPA, Visayas at iba pang bahagi ng Luzon.

Ayon sa Philippine Coastguard, marapat na magbawas ng pasahero ang mga bangka upang matiyak ang ligtas na biyahe at sundin ang alituntunin sa pagsuot ng life jacket.

Samantala, discretion na rin umano ng kooperatiba ng mga bangka na huwag na munang bumiyahe kapag hindi na halos makita ang madadaanan dahil sa malakas na ulan o naging zero visibility na.

No comments:

Post a Comment