Posted July 12, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Tutulong umano sa pagpapagawa ng karagdagang pumping
station si Department of Tourism Secretary Ramon Jimenez.
Ito’y para maibsan ang nararanasang pag-baha sa Boracay
dulot ng baradong mga drainage sa ilang lugar sa isla.
Ayon kay DOT Boracay Officer In-charge Tim Ticar, magbibigay
umano ng karagdagang tulong sa Local Government Unit (LGU) ng Malay si Jimenez
para maibsan ang naturang problema.
Isa umano sa nakikita ng LGU Malay na paglalagyan ng
pumping station sa Boracay ay ang area sa PCTV Sitio. Manggayad, Brgy. Balabag.
Sinabi pa ni Ticar na malaki umano itong tulong para
maibsan ang pagbabaha sa isla katulad ng naranasan nitong mga nakaraang araw
dulot ng malakas na pag-ulan.
Napag-alaman na iisa palang ang pumping station sa
Boracay na proyekto ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority
(TIEZA) na inaasahang magbubukas ngayong mga susunod na araw matapos ang
pagdating ng pump.
No comments:
Post a Comment