YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, July 10, 2014

Driver na umano’y sinaksak ng bote, nagreklamo sa Boracay PNP

Posted July 10, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Nagreklamo sa himpilan ng pulis ang isang driver na umano’y sinaksak ng bote sa Boracay.

Sumbong ng biktimang si Albert Panes, 25 anyos ng Barotac Nuevo, Iloilo, kasama nito sa inuman ang kanyang katrabaho na si Ryan Balajay, 25 anyos ng Magpag-ong Batan Aklan kagabi nang lapitan ng dalawang lalaki.

Ayon sa biktima, isang mainit na argumento ang namagitan sa kanila ng nasabing mga lalaki na nakilalang sina “Dennis” at “Aldin”.

Bigla umanong kinuha ni “Aldin” ang isang tubo at inihampas kay Balajay.

Ayon pa sa report, binasag naman ni “Dennis” ang bote at sinaksak ang likod ni Panes.

Dahil sa mga natamong sugat, minarapat ng mga itong ireklamo ang nasabing kaso sa Boracay PNP Station.

Kaugnay nito, kaagad nag-imbistiga ang mga pulis sa lugar subali’t nakaalis na umano ang dalawang lalaki na nanakit sa mga biktima.

No comments:

Post a Comment