Posted July 8, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Aminado ngayon ang BRTF na hindi nila masisisi ang
mga establisemyentong kusang gumawa ng paraan sa binabaha nilang lugar.
Kaugnay ito sa pagpapalabas ng tubig-baha ng mga establisemyento sa isla na binaha dulot ng nararanasang pag-ulan.
Kaugnay ito sa pagpapalabas ng tubig-baha ng mga establisemyento sa isla na binaha dulot ng nararanasang pag-ulan.
Nagkanya-kanya kasi ang mga nasabing
establisemyento na bombahin gamit ang motor pump at mga mahahabang hose ang
tubig-ulan na pumasok at naipon sa kanilang lugar.
Kaya naman ayon kay BRTF o Boracay Redevelopment
Task Force Secretary Mabel Bacani.
Maging maagap ang mga binahang establisemyento sa kanilang
mga gagawing hakbang upang matulungan ng lokal na pamahalaan ng Malay.
Samantala, sinabi pa ni Bacani na nag-iikot narin
ang mga taga Boracay Solid Waste Action Team at BRTF at patuloy na tumatanggap
ng mga reklamo kaugnay sa nararanasang pagbaha sa isla.
Sa ginawang ocular inspection naman nitong umaga ng
YES FM Boracay, nabatid mula sa mga
establisemyento na malaking perwisyo sa kanila ang baradong drainage sa
isla kung kaya’t napilitan silang ilabas ang tubig-baha sa dagat.
No comments:
Post a Comment