YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, July 10, 2014

Tourism Undersecretary Jasmin, i-inspeksyonin ang mga batong lumitaw mula sa tinibag na sea wall sa Boracay

Posted July 10, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Iinspeksyunin ni Tourism Undersecretary Maria Victoria Jasmin ang mga batong lumitaw mula sa tinibag na sea wall sa station 1 Boracay.

Bahagi ito ng paghahanda para sa Asia Pacific Economic Corporation (APEC) Summit sa isla ngayong darating na 2015.

Ayon kay DOT Boracay Officer In-charge Tim Ticar, ito umano ay gaganapin sa darating na Hulyo 16 kasabay ng pakikipagpulong ni Jasmin kay Mayor John P. Yap at sa Boracay Redevelopment Task Force (BRTF) kabilang na si Tourism Regional Director Helen Catalbas.

Maliban dito isa rin sa inaasahang iinspeksyunin ng Undersecretary ay ang mga kalsadang binabaha sa Boracay at maging ang daloy ng trapiko.

Nabatid na ang mga batong lumitaw sa beach front station 1 ng Boracay ay mula sa mga tinibag na sea wall na apektado ng 25 + 5 easement ng BRTF na nagsilitawan dala ng malakas na alon dahil sa nararanasang Habagat Season.

No comments:

Post a Comment