Posted July
9, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Katunayan isang grupo na kinabibilangan ng media, modelo
at ilang sikat na personalities mula sa China ang nagkaroon ng video
presentation sa isla ng Boracay ngayong araw.
Nabatid na kabilang pa sa mga kukuhaan ng video ay ang
crystal cove, Diniwid, Puka beach at long beach area kasama na ang mga nag-gagandahang
hotel at resort sa isla.
Sinabi pa ni Ticar na isa rin itong tourism promotions
para lalong kilalanin ang isla ng Boracay hindi lamang bilang isang Family-oriented
kundi maging isang wedding destination.
Nagpapasalamat naman ito sa tila muling pagganda ng araw
at ang paghupa ng tubig baha sa D’mall na maaaring maka-apekto sa nasabing
promotion.
Nabatid naman na patuloy ang ginagawang promotions and
marketing ng DOT sa ibat-ibang panig ng mundo para lalong tangkilin ang
pinakamagandang isla sa buong Asya.
No comments:
Post a Comment