Posted July 11, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Hindi na nagsampa ng kaso ang driver ng isang E-Car
sa Boracay matapos na banggain ng isang E-Golf Cart.
Nagkasundo na lamang kasi ang mga ito na bayaran ng huli ang pinsalang idinulot ng insidente.
Nagkasundo na lamang kasi ang mga ito na bayaran ng huli ang pinsalang idinulot ng insidente.
Ayon sa blotter report ng Boracay PNP, binabaybay
ni Joel Bamba, 39 anyos, driver ng E-Car ng isang resort ang main road Balabag
Boracay nang huminto ito dahil sa nararanasang traffic.
Ilang sandali pa ay nagulat na lamang di umano ito
nang may bumangga sa likurang bahagi ng kanyang sasakyan na isang E-Golf Cart
na minamaneho naman ni Regie Boy Obamos, 30 anyos at driver ng isang minimart
sa isla.
Dahil sa nangyaring pagkakabangga, bahagyang nayupi
at nasira ang likurang bahagi ng nasabing E-Car.
Samantala, nang magkausap sa himpilan ng Boracay
PNP station, hindi na nagsampa ng kaso si Bamba at sa halip ay pinagbabayad na
lamang ng danyos si Obamos, kung saan malugod naman nitong tinanggap.
No comments:
Post a Comment