Posted July 12, 2014
Ni Alan C. Palma Sr.
Nag-ugat ang usapin nag maghain ng reklamo ang ilang
grupo na nagsasagawa ng kahalintulad na water activity sa opisina ng BRTF.
Sumbong ng mga ito na hindi nagkakapareho ang rate ng
bawat diving establishment at minsan ay may nagbabagsak ng presyo.
Iginiit din ng ilan na hindi patas ang labanan dahil sa
pag-gamit ng komisyoner.
Imunungkahi ni BRTF Secretary Mabel Bacani na dapat
pag-usapan muna ito ng mga miyembro ng asosasyon para matiyak ang fix rate na
iaalok sa turista.
Nagbabala naman si Island Administrator Glenn Sacapano na
huwag ng magnegosyo kung gagamit ng komisyoner dahil bawal ito sa batas.
Ipapasara at kakasuhan ang establisyementong mahulihan at
napatunayan na may komisyoner.
Sakit sa ulo na ng LGU-Malay ang mga iligal na tour
coordinator at komisyoner na minsan ay nambibiktima at nagsasamantala sa mga
dayuhang turista.
No comments:
Post a Comment