YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, July 09, 2014

D’Mall Boracay, ‘back to business’ na matapos bahain

Posted July 9, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Back to business na ‘ika nga ang D’mall Boracay matapos bahain dulot ng nararanasang pag-ulan.

Subali’t ipinaliwanag ngayon ng engineering department ng D’mall kung bakit ito binaha.

Ayon kay Engineer Raymundo Gonzales, nagmistulang ‘catch basin’ ng naipong tubig-ulan ang D’mall dahil hinarang pala ang drainage nito, dagdag pa na doon napunta sa kanila ang tubig-ulan mula sa sitio Manggayad.

Ayon naman kay Malay Municipal Engineer Elizer Casidsid, isinira ang bahaging dinadaanan ng drainage ng D’mall sa pangamba na may ilalabas din itong maruming tubig mula sa ibang drainage.

Samantala, kaliwa’t-kanang paglilinis naman ang ginagawa ng pamunuan ng D’mall kung kaya’t muli na naman itong dinagsa ng mga turista at maging ng mga lokal na residente ng isla.

No comments:

Post a Comment