Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Mahigit limang libong dayuhang turista mula sa iba’t-ibang
bansa sa mundo ang itinaas ang bilang na naitala ng Municipal Tourism Office
ngayong buong buwan ng Mayo na dumayo sa isla ng Boracay kung ikukumpara ito sa
taong 2011.
Sa naitala ng MTO, ang Koreans pa rin ang nanguna sa
listahan sa kasalukuyan kung saan katulad noong Mayo ng 2011 umabot sa mahigit
sa siyam na libo ang naitala.
Sa kabuuan ngayong buwan ng Mayo, umabot sa tatlumpung
libong dayuhang turista ang naitala gayong noong 2011 ng katulad na buwan ay
mahigit sa dalawampu’t limang libo lamang.
Bahagyang tumaas naman ng dalawang libo ang bilang ngayong
taon ang Taiwanese, samantalang ang mga Chinese ay tumaas din ng mahigit isang
libo.
No comments:
Post a Comment