Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Binigo ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone
Authority (TIEZA) ang Boracay
Tubi Systems Inc. (BTSI) sa plano nilang pasukin din ang serbisyo ng sewerages
system/siphoning sa Boracay at gayon din ang paglatag ng karagdagang mga tubo
para sa gagawing pagpapaunlad sa kanilang sistema na nakapaloob sa
proposisyon nilang isinumite sa konseho.
Sa ginanap na SB session kahapon, nanindigan si Atty.
Guiller B. Asido, TIEZA Corporate Secretary at Officer-In-Charge Office of the
Corporate Legal Counsel, na hindi ito maaari dahil sa tinatawag na “natural monopoly”
at batay na rin sa Executive Order na ang TIEZA ay may kapangyarihan din sa pagkontrol
sa ilang imprastraktura o ano mang development sa Boracay kasabay sa
pagkakadeklara sa isla na Special Tourism Zone.
Mariin din ang kanyang paninindigan na hindi sang-ayon ang
TIEZA sa nasabing proposisyon ng Boracay Tubi.
Ayon sa abugado, sa Boracay umano ay kailangang isang
kumpaniya lang ng tubig at sewerages ang mag-o-operate dahil sa maraming rason
na inilatag nito, kabilang na ang pangangalaga sa pinagkukunan ng tubig, pangangalaga
sa Boracay, aberya na dala sa trapiko, at ang disposal ng tubig sa baybayin ng
Boracay.
Subalit tila hindi naman nakuntento ang konseho sa sagot na
ito TIEZA, lalo pa at napunta sa hurisdiksiyon at karapatan ng lokal na
pamahalaan ng Boracay at pati na ang kapangyarihang hawak din ng nasabing
ahensya.
Ang TIEZA ay inimbitahan ng Sangguniang Bayan ng Malay para dingging
at idaan sa konsultasyon ng hinihinging pag-endorso ng Boracay Tubi upang
mapalapad ang kanilang serbisyo sa isla.
Samantala, hindi pa ngayon nakakapagdesisyon ang konseho sa hinihinging
pag-endorso ng Boracay Tubi kahit nakaglatag na ng kanilang posisyo sa TIEZA,
at aasahang idadaan pa ito sa ilang pagdinig ng konseho.
No comments:
Post a Comment