Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Ipapatapon na palabas ng Boracay ang lahat ng sasakayang mahuling
walang Permit to Transport at maging ang mga kolorum na tricycle kasabay ng
ginagawang paghihigpit ngayon sa implementasyon ng lokal na pamahalaan ng Malay
sa ordinansa hinggil dito sa layuning nabawasan din ang bigat ng trapiko sa
isla.
Ito ay kasunod na rin ng Memorandum Order ni Malay Mayor John Yap na
ipinatinatigil na nito pansamantala ang pagbibigay ng Permit to Transport sa
lahat ng uri ng sasakyan maliban na lamang kung replacement ito.
Sa panayam kay Cezar Oczon, Municipal Transportation
Officer, kasabay ng pagpapatupad ng Color
Coding Scheme sa isla sa akinse ng buwang ito ay makikita na rin umano ang mga kolorum
na tricycle.
Nabatid din mula kay Oczon na anumang sasakyan ang mahuli na
walang permit to transport ay dadalhin din nila balik sa mainland, at hindi na
pababalikin pa gayong pinatigil na ng Punong Ehekutibo ang pagbibigay ng
permit.
Ito ay hanggang sa may bisa pa ang m emorandum order ng
Alkalde kaugnay sa Moratorium sa pagbibigay ng permit to transport.
Samantala, ang LGU ang gagawa ng paraan ng para maitapon pabalik
ng mainland ang mga sasakyang ito.
Kapag wala umanong pangbayad ang may-ari ng sasakyan sa
transportasyon pabalik ng mainland, pansamantala ay ang LGU muna ang gagastos
at kapag kinuha na ng may-ari ay doon nalang din nila sisingilin bago ibigay ang
na-impound na sasakyan.
Samantala, para malaman naman ang mga lehitimong tricycle
mula sa kulurom ay lalagyan aniya nila sticker para maiwasan ang duplication at
masigurong iisang unit lamang ang nag-o-operate sa isang prangkisa.
Bukas umano nila sisimulan ang paglalagay ng sticker sa mga
tricycle na ito.
Dagdag pa ni Oczon, sa pagkakataong ito hindi rin umano makakaligtas
ang mga habal-habal at sisikapin nilang mahuli din ang mga ito.
No comments:
Post a Comment