Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay
Mahigit dalawang daang kilo ng basura ang nakolekta ng
Philippine Coastguard mula sa ilalim ng dagat ng Boracay nitong nagdaang
Sabado.
Ito ang ipinagmamalaking inihayag ni Caticlan Coastguard
Commander Terrence Alsosa, sa panayam nitong hapon.
Kasama ang Boracay Foundation Incorporated, Philippine
Chamber of Commerce and Industries, Scuba Diving Schools sa Boracay, at
CENRO-Boracay.
Sinisid ng coastguard ang karagatan sa beach front ng
Boracay upang linisin ito, kung saan iba’t-ibang basurang nabubulok at
di-nabubulok ang nakuha.
Kaugnay nito, sinabi pa ni Alsosa na balak narin nila
ngayong gawin ang Escu-Basurero, kada tatlong buwan.
No comments:
Post a Comment