Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Pag-aaralan pa umano ngayon ng Caticlan Coast Guard ang
paglalagay ng K9 sa Tabon Port, kasunod ng pagbago ng ruta ng beyahe ng mga bangka
sa Boracay ngayong Habagat Season na.
Nabatid mula kay Chief PT Officer, Ronnie Hiponia ng
Caticlan Coast Guard na sa ngayon ay wala pa umano silang inilagay na
naka-standby na K9 sa Tabon Port.
Dahil dadalawa lamang ang K9 dito at ginagamit din para sa Caticlan
Jetty Port, partikular sa pantalan ng RORO.
Pero ayon kay Hiponia, kahit papano ay dinadala din umano
nila sa Tabon Port ang K9 na ito, para makatulong sa pag-check ng mga bagahe ng
pasahero, gayon din sa Cargo Port.
Subalit para sa seguridad sa pantalang ito, araw-araw ay
nagpapadala naman aniya sila ng mga Special Operation Group ng Coast Guard upang
magbantay sa mga pantalang ito.
Kung mapupuna, ang Tabon Port ay ginagamit lamang kapag
malakas ang alon sa regular na ruta ng bangka, kaya wala x-ray machine at metal
detector para masiyasat ang mga gamit ng mga turistang papunta ng Boracay, di
katulad sa Caticlan Jetty Port.
No comments:
Post a Comment