Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Laking pasalamat ngayon ng Department of Education (DepEd) –
Aklan dahil wala silang reklamong natatanggap dahil tumalima naman ang mga guro
kaugnay sa “No Collection Policy” o pagbabawal sa anumang singilin o bayarin sa
mga estudyante at magulang sa pagbubukas ng klase at kahit sa enrolment pa
lamang.
Ayon kay Division Superintendent Dep. Ed Aklan Dr. Jesse
Gomez, mariing ipinagbabawal ng departamento ang panininggil ng mga guro ng anumang
bayarin simula nitong pasukan hanggang sa buwan ng Agosto.
Nilinaw din nito na ang school uniform ng mga estudyante sa
mga pampublikong paaralan ay hindi compulsory.
Kaya hindi rin aniya pwedeng pilitin ang mga magulang na
ibili ng uniporme ang kanilang mga estudyante, maliban na lamang umano kung
mismo ang magulang na ang boluntaryong bumili at magpasuot ng uniporme sa
kani-kanilang mga pinag-aaral.
Maging sa school ID, kung meron man, ay wala pa rin umanong
dapat bayaran ang magulang dahil saklaw na ito ng mga paaralan.
Samantala, huminggi naman ng pag-unawa sa publiko ang DepEd dahil
sa ilang suliraning nararanasan ngayong pagbubukas ng klase, kasunod umano ng
limitado lang din na pondo ng departamentong ito.
Pero sinabi ni Gomez, na paunti-unti ay gagawan nila ng
paraan upang na mabigyan ng solusyon ang katulad na problema sa mga eskwelahan
sa Boracay.
No comments:
Post a Comment